Mga tagasuporta ng Lumad school magpapasaklolo sa Korte Suprema para muling mabuksan ang mga paaralan — Zarate

0
20

Handa ang Makabayan Bloc na ilarga ang lahat ng paraang ligal upang matanggal ang closure order ng Department of Education (DepEd) sa mga Lumad schools.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, ang mga tagasuporta ng Lumad schools ay magpapasaklolo sa Korte Suprema kung ito lamang ang magiging paraan para muling mabuksan ang naturang mga paaralan.

Muling iginiit ng grupo na walang basehan at politically motivated ang naging hakbang ng gobyerno.

Una nang ipinasara ng DepEd ang may 55 paaralan sa Lumad community dahil umano sa pagtuturo ng makakaliwang mga idelohiya sa mga kabataan.