Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department Of Energy (DOE) na konsultahin muna ang mga residente ng Bataan hinggil sa planong muling pagbuhay sa nuclear power plant.
Ito ay kasunod ng pagsusulong ni Energy Secretary Alfonso Cusi na paggamit ng bansa ng nuclear energy.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bukas naman ang Pangulo sa mungkahi ni Cusi ngunit dapat munang konsultahin ang mga residente sa lugar gayong hindi lamang maaaring manggaling sa itaas ang desisyon hinggil sa naturang usapin.
Ang paggamit ng nuclear energy ay isang paraan na isinusulong ng DOE upang magkaroon ng dagdag na source ng enerhiya sa bansa at mapababa ang singil sa kuryente.