Friday, May 17, 2024

Mga sundalong mahaharap sa kaso ipagtatanggol ni Pangulong Duterte

- Advertisement -

Muling tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo na handa niyang ipagtanggol ang mga ito sa korte sakaling makasuhan dahil sa pagganap sa kanilang tungkulin.

Iyan ang inihayag ng pangulo sa harap ng mga tropa ng 401st at 402nd infantry brigade ng Phil. Army nang bisitahin niya ito Camp Datu Lipus Makapandong sa bayan ng Prosperidad sa Agusan Del Sur kahapon.

Kasabay nito, kinilala rin ng pangulo ang ambag ng mga sundalo sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagtataguyod ng kaayusan sa bansa mula sa kamay ng mga kalaban ng estado.

“If it is in the performance of your duty and you face charges, criminal and on, you need not worry. I will take the blame personally and I will protect you and I will never ever allow you to go to jail. Performing a duty for a nation…. I will not allow a single soldier to stay in prison even for one day. That is my promise.”

Nangako rin ang pangulo na hindi niya hahayaan na makulong kahit isang araw lamang ang mga sundalo basta’t ginampanan nito ang kaniyang tungkulin para sa bayan.

“We will see to it that the nation that we are giving to our children is one that is stable, harmonious and progressive. I definitely ask each of you to continue doing your parts so we may soon to realize an aspiration for a lasting peace and stability across the nation. Maraming salamat at mabuhay ! Saludo ako sa inyo ! “

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -