30 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Mga stall owners pinulong kanina para sa nalalapit na Tinagba Festival ng Iriga city

- Advertisement -

Pinulong ng Pamahalaang Lungsod ng Iriga, sa pangunguna ng Office of the City Planning and Development Coordinator, ang mga stall owners na magtitinda sa gaganaping TINAGBA AGRI-FOOD FAIR 2023 (“ARRIBA SA PAGTINDA”) na magsisimula bukas, Pebrero 1. Ang “Arriba sa Pagtinda” ay bahagi ng pagdiriwang ng Tinagba Festival 2023 at isa sa mga panimulang handog para sa publiko.

Kasama sa nasabing pagpupulong ang mga kawani ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan upang talakayin sa mga stall owners ang iba’t ibang isyu tulad ng special permits, health protocols, seguridad, at tamang pagtatapon ng basura.

Dumalo sa pulong sina Ms. Fatima Adayo ng Market Superintendent’s Office, Mrs. Tessie Gonzales ng City Health Office, Engr. Eddie Belmonte ng General Services Offices, Mr. Kenneth Nantes ng Civil Security Unit, Mr. Enrico Bance ng City Electrician’s Office, Ms. Honeybelle Oliva at Mr. Jor-el Caayao ng City Mayor’s Office. (Jv Navarro Verdeflor Jr. via LGU Iriga City)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -