Radio Philippines Network
DZKI Iriga News Provincial News

Mga Sasakyang Pandagat Pinayuhang Huwag Muna Pumalaot Ngayon Araw

Inabisuhan ng Philippine Coast Guard ang mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag na munang pumalaot ngayong araw.

Yan ay dahil sa malakas na “gale force winds” na inaasahang makakaapekto sa karagatang sakop ng Camarines Provinces.

Batay sa Sea Travel Advisory na ipinalabas ng Coast Guard Station Camarines Norte ngayong umaga, pinapayuhan ang mga sasakyang pandagat na mas mababa sa 250 G.T at iba pang maliliit na bangka na huwag na  munang maglayag.

Habang ang malalaking sasakyang pandagat naman ay inaalerto sa malalaking alon.

Nag abiso naman ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makakaranas ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malalakas na ulan sa Bicol Region ngayong araw.

Dahil yan sa pinagsamang epekto ng Tropical Depression Vicky at Tail- End of a Frontal System.

Ayon sa PAGASA mananatiling isang TD o mahinang bagyo si Vicky habang binabaybay ang kapuluan ng Pilipinas.

Kaninang alas 4 ng umaga, namataan ang sentro ng TD Vicky sa layong 210 km Silangan ng Davao City.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong 55 kilometro kada oras.

Bukas ng umaga si Vicky ay nasa layong 20 km Silangan ng Dumaguete City, Negros Oriental at sa Linggo naman ng umaga ay nasa layong 140 km Hilaga ng Puerto Princesa City, Palawan.

Sa Lunes ay nasa labas na ito ng Philippine Area of Responsibility o nasa layong 65 km Kanluran Timog Kanluran ng Kalayaan Palawan.

(Source: BNFM Daet)

Related posts

Sobra Duha Ka Libo (2,000+) Ka Myembro Sa Transport Sector Sa Probinsya Sa Sarangani Nakadawat Og Mga Sinakong Bugas Ug Mga Tray Sa Itlog Manok, Samtang Displaced Workers Sa Sarangani Nakadawat Usab Og Cash Assistance Gikan Sa DOLE-Tupad Program

RPN

KONGRESISTA SA SUGBO NANGUSOG PAGPADALI SA PAGLUSOT SA HABAL-HABAL “BILL”

RPN News

Menteryo Katoliko Sa Lapu-Lapu Sugod Na Ang Sayong Pagdawat Ug Mga Bisita Gamit Ang Priority Number

RPN