Saturday, May 4, 2024

Mga residente sa Navotas hinikayat na makiisa sa kampanya ng gobyerno kontra illegal drugs

- Advertisement -

Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang mga residente ng Market 3 sa Navotas City na isang illegal drugs hotspot na makiisa sa kampanya ng gobyerno kontra illegal na droga.

Una nang isinara ang isang daan sa barangay dahil sa matinding problema sa iligal na droga dahilan naman para mahirapan ang mga estudyante sa pagpasok sa kanilang paaralan.

Ayon kay Robredo, nakiusap siya sa mga opisyal na muling buksan ang naturang daan ngunit sa kondisyong makikipag tulungan ang buong komunidad sa pagsugpo sa illegal drugs.

Binigyang diin ni Robredo na ang problema sa iligal na droga ay hindi lamang problema ng pulis, kapitan o mayor kundi ng buong komunidad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img