Mga residente nakiki-usap sa mga otoridad bunsod ng lockdown sa Batangas

0
15

Patuloy na nakiki-usap ang mga residente ng bayan ng Agoncillo sa Batangas sa mga otoridad para pansamantalang payagang maka-balik sa kani-kanilang mga tahanan.

Ito ay bunsod pa rin ng ipinatupad na lockdown sa lugar upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, dahil kabilang ang Agoncillo sa 14 kilometer danger zone ng bulkang Taal.

Matatandaang, una nang umapela ng window hour ang mga residente, upang mapayagang makabalik sa kani-kanilang mga tahanan para na rin sa kanilang mga naiwang alagang hayop, at iba pang mga ari-arian.

Sa ulat na inilabas ng Phivolcs, ibinabala nito na nanganganib na mataaman ng volcanic tsunamis at base surges ang ilang barangay sa Agoncilo sakaling magkaroon ng magmatic eruption sa Taal volcano.