34.5 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Mga pananim na matinding binalot ng abo maari pang maisalba—DAR

- Advertisement -

Maari pang maisalba ang mga pananim na matinding binalot ng abo.

Ito ang binigyang diin ni Agriculture Sec. William Dar matapos na labis na maapektuhan ng ash fall ang ilang mga pananim, kabilang na ang pinya at kape sa ilang lalawigan bunsod pa rin ng pag-aalburuto ng bulkang Taal.

Ayon kay Dar, kung mayroong “power spray” ay maari namang paulanan ng tubig ang mga pananim na matinding binalot ng ashfall upang hindi ito masayang.

Gayunman, kung nasira naman aniya ang mga pananim ay pu-pwede naman i-rehabilitate na lamang ito, o putulin na lamang ang mga sanga dahil yayabong naman muli ang mga ito.

Matatandaang, una nang tiniyak ng Dept. of Health (DOH) na ligtas na kainin ang mga gulay at prutas na nalagyan ng abo—basta’t maayos at nahugasan ang mga ito ng mabuti.

Sa ngayon, sumampa na sa mahigit P3B ang naitalang pinsala ng pag-aalburuto ng Taal volcano sa sektor ng agrikultura.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -