Saturday, May 4, 2024

Mga reklamo kaugnay sa rice tariffication law sisilipin ng Kongreso

- Advertisement -

Bubuo ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ng oversight committee para silipin ang mga reklamo kaugnay sa rice tariffication law.

Ito ang inihayag ni House Speaker Gloria Macapagal – Arroyo kasunod ng naging pagsasabatas ng rice tariffication kung saan tatanggalin na ang limit sa pag-aangkat ng bigas.

Ayon kay Arroyo, kakausapin niya si House Committee on Agriculture and Food Chairman para magsagawa ng oversight hearing para silipin ang reklamo sa batas bago pa man ang implementasyon ng naturang batas.

Matatandaang maraming grupo ng mga magsasaka at iba pang agricultural workers ang tumutuligsa sa nasabing batas.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img