Mga referee sa NBA Finals napili na

0
59

Napili na ang officiating pool para sa NBA Finals.

Sa ika-labing anim na pagkakataon, muling napasama si Mike Callahan sa 12 referees para sa best of seven series sa pagitan ng Golden State Warriors at Toronto Raptors.

Pang labing dalawang NBA Finals naman ito ni Scott Foster samantalang ito ang kauna unahang pagkakataon na magiging referee sa finals si Eric Lewis.

Ayon kay NBA President League of Operations Byron Spruell, napili ang NBA finals referees base sa kanilang skills, focus at teamwork.

—–