Saturday, May 4, 2024

Mga Recruitment Agencies may panawagan kay Pangulong Duterte

- Advertisement -

Nababahala ang kinatawan ng mga Recruitment Agency sa Pilipinas na lalo pang darami ang kaso ng Illegal Recruitment sa bansa kapag tuluyan nang nawala ang mga lisensyadong recruitment agencies

Ito’y kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na babalikatin na lang ng pamahalaan ang pagre-recruit sa mga pilipinong nais magtrabaho sa ibayong dagat

Ayon kay Estrelita Hizon, miyembro ng Governing Board ng POEA na kumakatawan sa pribadong sektor, umaapela sila kay Pangulong Dutere na huwag namang patayin ang industriya ng pribadong recruitment

Para naman kay Blas F. Ople Policy Center President at DWIZ Anchor Susan “Toots” Ople, dapat munang magkaroon ng konsultasyon sa pagitan ng Gubyerno, OFW Industry at mga NGO’s

Dapat ding pag-aralan ang kaso ng mga abusadong employer, pagpapalakas sa Reintegration Efforts at pagsala sa mga dayuhang Recruitment Agencies sa bansa

Sa panig naman ng OWWA o Overseas Workers Welfare Administration, tiniyak ni Administrator Hans Leo Cacdac na handa naman silang tumalima sa kautusan na ito ng Pangulo

Malinaw naman aniya kasi sa kautusang ito ng Pangulo na nais niyang parusahan at mapanagot ang mga abusadong recruiter na siyang nagpapahirap sa mga pilipino

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img