Mga pulis, sundalo ipakakalat sa mga pamilihan para matiyak ang pag-obserba ng physical distancing

0
16

Magpapakalat ng mga pulis at sundalo ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) sa mga pamilihan para matiyak ang pag-obserba ng physical distancing.

Ito’y sa pamamagitan ng bubuuing ‘joint social distancing teams’ ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay IATF spokesperson Karlo Nograles, idedeploy ang joint social distancing teams sa mga pampublikong palengke upang magpatupad ng strict social distancing measures.

Magugunitang napapaulat ang ilang public market sa Quezon City dahil sa kawalan ng social distancing ng mga mamimili.