Friday, May 17, 2024

Mga pulis na tatanggap ng regalo walang pananagutan – Duterte

- Advertisement -

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang pananagutan ang mga pulis na tatanggap ng regalo mula sa publiko.

Ito ang inihayag ng pangulo sa kaniyang talumpati sa Camp Crame kahapon.

Ayon sa pangulo, walang parusang ipapataw sa mga pulis na tatanggap ng regalo lalo’t kung ito ay bilang pagkilala sa matagumpay nilang serbisyo.

Kasabay nito, binatikos ni Pangulong Duterte ang anti-graft law at iginiit na walang mali sa pagtanggap ng reward ng mga pulis kung ito ay ibinigay bilang pasasalamat.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -