Mga pulis na nakapasa sa 2019 bar exam gagawaran ng P10K

0
14

Bibigyan ng P10,000 cash ni PNP chief Archie Gamboa ang mga pulis na nakapasa sa bar examinations.

Kasunod na rin ito nang pagbati ni Gamboa sa mga nasabing pulis na bagong abogado kasabay ang apela sa mga ito na manatili sa PNP na nangangailangan ng kanilang serbisyo.

Sinabi ni Gamboa na kumakalap pa sila ng impormasyon kung ilang pulis nila ang pumasa sa bar exam.