Mga positibong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot na sa 462

0
19

Nadagdagan pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH) hanggang 4:00 ng hapon kahapon nasa 82 ang nadagdaga sa bilang ng COVID-19 cases sa bansa at ito ay itinuturing na pinakamataas na naitala sa loob lamang ng isang araw.

Dahil dito pumapalo na sa 462 ang kabuuang kumpirmadong pasyente ng COVID-19 sa bansa.

Nadagdagan din ng walo ang death toll sa COVID-19 at ito ay nasa 33 na.

Samantala ipinabatid ng DOH na gumaling ang patient number 73 na 54 na taong gulang na lalaking Pinoy mula sa Maynila at mayroong travel history sa Thailand.

Unang nakaranas ng sintomas ang pasyente nuong March t6 at nakumpirmang positibo ito sa COVID-19  noong March 13.

Sinabi ng DOH na na-discharge na ang pasyente noong March 21 matapos maging asymptomatic at nagnegatibo sa sakit.

Dahil dito nasa 18 na ang gumaling sa kaso ng COVID-19 sa bansa.