Mga Pinoy sa Hong Kong patuloy na pinag-iingat – DOLE

0
44

Muling pinayuhan ng gobyerno ang mga Pilipinong nasa Hong Kong na maging alerto sa mga nangyayari rito.

Sinabi sa DWIZ ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mahigpit ang bilin nila sa mga Pilipino sa Hong Kong na manatili lamang sa kani-kanilang bahay kung walang  trabaho o sa bahay ng kanilang employers.

Pinaiiwas din aniya nila ang mga Pinoy sa Hong Kong na magsuot ng kulay puti o itim na t-shirt na identified sa ‘pro’ at anti-government groups.

…please stay in their places of work. Kung ikaw ay isang kasambahay, d’yan ka lang sa bahay ng amo mo. Pag ikaw ay nasa isang factory, do’n ka lang sa factory mo, pag ikaw ay nasa bangko, do’n ka lang sa bangko. At huwag gumamit ng itim o puti (damit); ‘yung mga ‘anti’, black, ‘yung mga ‘pro, white,” ani Bello.

Ratsada Balita Interview