Monday, May 6, 2024

Mga Pinoy pinag-iingat sa ikinakasang kilos protesta sa Hong Kong

- Advertisement -

Pinag-iingat ang lahat ng Pilipino sa Hong Kong sa mga protestang magaganap sa araw na ito.

Ayon sa abiso ng Konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong, mas malawakang kilos protesta ang ilulunsad kasabay ng ika-70 anibersaryo ng communist rule sa China.

Pinapayuhan ang mga Pilipino na iwasan muna ang Tamar Park, Admiralty, Causeway Bay hanggang sa Central Wong, Wong Tai Sin, Sham Shui Po, Mongkok, Sha Tin, Tuen Mun at Tsuen Wan.

Mas makakabuti anila kung mananatili na lamang muna sa bahay ang mga Pinoy at kung hindi maiiwasang lumabas ay iwasan ang pagsusuot ng kulay puti o itim na t-shirts.

Pinaalalahanin rin ng konsulado ang mga Pinoy na iwasan ang pagdisplay ng bandila ng Pilipinas at higit sa lahat, huwag lalahok sa mga kilos protesta.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img