30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Mga Pinoy na tatamaan ng COVID-19 posibleng umabot sa 8.5-M —gov’t think tank

- Advertisement -

Maaaring umabot sa 8.5-milyong Pilipino ang matamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kabila ng ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.

Ito ay batay sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na isang think tank na pinatatakbo ng gobyerno.

Paliwanag ng mga mananaliksik, ang kanilang pagtataya na 8.5-milyong katao na maaaring mahawaan ng sakit ay kung itutuloy lamang ang kasalukuyang schedule ng enhanced community quarantine (ECQ) nang walang ibang ginagawang hakbang upang ma-isolate ang mga COVID-19 positive patients.

Sa pagtantya pa ng mga ito, posibleng pang mapababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa kung magpapatupad ng partial lifting ng ECQ, basta’t ma-isolate ang 70% ng symptomatic cases.

Samantala, dagdag pa sa pag-aaral ng PIDS ay maaaring mawala sa ekonomiya ng Pilipinas ang P276.3-bilyong hanggang P2.3-trilyon dahil sa COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -