Mga Pinoy kabilang sa may ‘sexiest accent’ sa buong mundo

0
44

Napabilang ang mga Pilipino sa “sexiest accent” o pinakamagandang bumigkas ng mga salita sa buong mundo.

Ito ay batay sa survey na isinagawa ng Big 7 Travel kung saan nasa ika-dalawampu’t-isang (21) pwesto ang mga Pilipino sa may limampung (50) bansa na kabilang sa listahan.

Nakasaad sa survey na ang mga Pilipino umano ay simple ngunit nakabibighaning pakinggan sa tuwing bumibigkas ng kanilang salita.

Samantala, nanguna naman sa top 50 ang accent ng New Zealand, sinundan ng South African, Irish, Italian at Australian.