Nakikiisa si Vice President Leni Robredo sa Sambayanang Pilipino, sa paggunita ng ika-37 anibersaryo ng pagkamatay ni Ninoy Aquino ngayong araw.
Ayon sa bise presidente, ang araw na ito ay maikokonsiderang makabuluhang pag-alala sa kamatayan ng dating senador.
Aniya, ngayong kinakaharap ng bansa ang kadiliman ng gabi ay dapat na umanong humugot ang bawat Pilipino ng inspirasyon sa katapangan ni Aquino.
Inihalimbawa pa ni Robredo ang pagkakulong at pagkawalay ni Aquino sa kanyang pamilya kung saan hindi umano ito nakitaan ng panghihina ng paninindigan at pagtitiwala na matatapos rin ang dilim sa kalaunan.
Giit nito, na gaya ni Ninoy, ay hindi umano siya bibitaw at patuloy na magtitiwala sa Pilipino.
Samantala, naniniwala rin si Robredo na mayroong magandang bukas na naghihintay sa bawat Pilipino.