Mga Pinoy abroad na nagpositibo sa COVID-19 pumalo na sa 10,117 —DFA

0
15

Pumalo na sa 10,117 ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa labas ng bansa matapos makapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng isang bagong impeksiyon.

Gayunman, ayon sa DFA, nasa 3,075 lamang ang kasalukuyang nagpapagaling dahil nakarekober na ang 6,284 sa mga ito.

Mas marami namang Pinoy ang dinapuan ng COVID-19 sa Gitnang Silangan at Africa na sinundan ng Asia Pacific, Europa at Estados Unidos.

Samantala, nananatili naman sa 758 ang death toll sa hanay ng mga Pinoy abroad dahil walang fatality na naitala sa nakalipas na 24 oras.