Tuesday, May 7, 2024

Mga pinagmulta dahil sa illegal parking umabot na sa 63

- Advertisement -

Umabot sa 63 ang sasakyang pinagmulta ng MMDA o Metro Manila Development Authority sa unang araw ng pagpapatupad sa mas mataas na multa sa illegal parking.

Apat sa naturang bilang ang pinagmulta ng tig mahigit 3,000 dahil un-attended ito o wala ang driver ng sasakyan.

Ayon kay Jun Vialu, hepe ng task force special operations ng MMDA, nag operate sila sa service road ng Roxas Blvd mula Baclaran hanggang TM Kalaw kung saan nakahuli sila ng 27 sasakyan na iligal na nakaparada samantalang ang iba ay nahuli naman sa may Pasay Taft hanggang Buendia.

Matatandaan na mula sa dating 500 piso ay itinaas sa 2,000 piso ang multa sa un-attended illegal parking; naging 1,000 naman ang dating 200 pisong attended illegal parking samantalang itinaas sa 1,000 ang dating 150 pisong multa sa obstructing sa road.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img