29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Mga perang papel hindi na kailangang i-disinfect vs COVID-19 —BSP

- Advertisement -

Walang nakikitang pangangailangan ang Bangko Sentral ng Pilipinas para i-disinfect o sirain ang mga perang papel sa bansa.

Ito ay sa gitna nang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Ayon kay BSP senior assistant Governor Dahlia Luna, wala silang nakikitang pangangailangan para sundan ang naging hakbang ng People’s Bank of China na isailalim sa disinfection ang kanilang mga perang papel.

Iginiit ni Luna, ito ay dahil wala pang napapaulat na local transmission ng COVID-19 sa Pilipinas.

Kasabay nito, hinikayat na lamang ni Luna ang lahat ng mga Pilipino na sundin ang mga payo ng Department of Health para maiwasan ang pagkalat ng virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -