Mga pampublikong lugar bantay sarado ng mga pulis

0
17

Bantay sarado ng mga pulis ang lahat ng lugar na maaaring magkumpol-kumpol ang mga tao.

Ayon kay Lt. General Guillermo Eleazar, Commander ng joint task force COVID-19 shield, kasunod ito ng siksikang naganap sa balintawak market at iba pang lugar noong Sabado De Gloria.

Maliban aniya sa entry at exit point ng mga palengke, maglalagay rin sila ng pulis sa loob mismo upang patuloy na magpaalala ng social distancing at may mga bantay na rin sa mga ATM machines lalo na sa Landbank kung saan ipinadadala ang cash aid ng gobyerno.

Binalaan at ipinaalala ni Eleazar sa mga lumalabag sa panuntunan na kulong ang kanilang mapapala kung patuloy silang lalabag.