Mga overseas Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 pumalo na sa 757 —DFA

0
27

Patuloy ang pagtaas ng mga Pilipino sa ibang bansa na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), hanggang April 16, nasa 757 Pilipino sa 41 bansa at rehiyon ang kumpirmadong positibo sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 414 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital at 240 namang Pilipino abroad ang nakarecover na.

Nadagdagan naman ng 15 ang nasawing Pinoy dahil sa COVID-19 kaya’t nasa 103 na ang death toll.

Pinakamarami pa rin ang naitalang confirmed COVID-19 positive na overseas Filipino sa Asia Pacific Region na may 271 kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 237 na kaso, Middle East/Africa na may 91 na kaso at Americas na mayroon namang 158 na kaso.