30.2 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Mga opsyon para maiwasan ang giyera ng Pilipinas at China inilatag ni Carpio

- Advertisement -

Inilatag ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang mga paraan kung paano ipatutupad ang panalo ng Pilipinas sa arbitral tribunal nang hindi nakikipag giyera sa China.

Ginawa ito ni Carpio bilang tugon sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay siya ng formula kung paano ipatutupad ang desisyon ng arbitral tribunal at gagawin ito ng pamahalaan.

Una, sinabi ni Carpio na maaaring bumuo ng convention ang Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Indonesia at Brunei kung saan idedeklara nila na walang exclusive economic zones sa Spratlys tulad ng nasasaad sa desisyon ng arbitral tribunal dahil maaari lamang ito sa bahagi ng karagatan kung saan mas mataas sa tubig ang isla kapag high tide.

Sa pamamagitan nito, maiiwan anyang nag iisa ang China na umaangkin ng EEZ sa Spratly Islands.

Pangalawa, maaari anyang maghain ng extended continental shelf claim sa West Philippine Sea ang Pilipinas sa labas ng kanyang EEZ sa bahagi kung saan tanging ang China ang opposite coastal state.

Pangatlo, maaaring magpatrol ang sampung bagong 44 meter multi role response vessels na donasyon ng Japan sa ating EEZ para itaboy ang mga dayuhang mangingisda.

Maaari rin umanong i-encourage ng Pilipinas ang malayang paglalayag at overflight operations ng U.S, U.K, France, Australia, Japan, India at Canada sa South China Sea at maaari rin umanong lumahok dito ang Pilipinas.

Magpahayag ng pagasa si Carpio na susundin ng pangulo ang pangako na ipatutupad niya ang desisyon ng arbitral tribunal kung may mailalahad silang formula dito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -