Mga oil company may malakihang taas presyo sa petrolyo

0
22

Malakihang taas presyo sa produktong petrolyo ang pambawi ngayon ng mga oil company sa bansa matapos ang dalawang sunod na linggong pagpapatupad nila ng sobrang kakarampot lamang na bawas presyo ng kanilang mga oil products.

Ayon sa impormasyon mula sa industriya ng langis, papalo sa piso at 60 sentimo ang itataas ng kada litro ng gasolina, habang 80 sentimo naman ang madadagdag sa kada litro ng diesel at piso naman sa  kada litro ng kerosene.

Epektibo sa darating na Martes ang bigtime oil price increase ng mga kumpanya ng langis sa bansa.

Resulta umano ito sa paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado at pagbaba ng halaga ng piso laban sa dolyar.