35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Mga OFWs sa China na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pinaaayudahan sa PH Gov’t

- Advertisement -

Umapela sa pamahalaan ang Embahada ng Pilipinas sa China na bigyan ng ayuda ang maraming Pilipinong manggagawa sa China.

Sa Laging Handa press briefing ng pamahalaan, sinabi ni  Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana na hindi ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang naging problema ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa China kun’di ang kawalan ng trabaho.

Wala anyang kahit isang Pinoy ang nagpositibo sa COVID-19 sa mainland China.

Ayon kay Sta. Romana, marami sa mga teachers, hotel workers, musicians, at maging household workers ang mayroong kontratang ‘no work, no pay’ kaya’t marami ang nawalan ng kita nang magsara ang maraming establisyimento at paaralan dahil sa COVID-19.

Marami ring anyang mga undocumented na manggagawa ang nais na sanang makauwi subalit nahihirapang kumuha ng exit visa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -