Mga OFW sa Tripoli, Libya pinag-iingat ng DFA

0
30

Pinagdodoble ingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa Tripoli, Libya matapos na muling sumiklab ang kaguluhan sa lugar.

Ito ang mahigpit na paalala ng DFA sa lahat ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Libya bunsod nang naganap na malakas na pagsabog, at palitan ng putok noon pang Sabado.

Dahil, pinayuhan ng DFA ang mga OFW na manatili na muna sa kani-kanilang mga tahanan, at patuloy na makipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas.