Mga OFW na mayroong employment contract lamang ang papayagan makabalik sa abroad — IATF

0
18

Binaliktad ng Inter Agency Task Force (IATF) ang direktiba ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na pagbawalang makabalik sa kanilang trabaho sa ibayong dagat ang mga health workers na inabutan ng lockdown sa bansa.

Ayon kay Inter Agency Task Force Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, tanging ang mga OFW’s na mayroong employment contract hanggang noong March 8 ang papayagang makabalik sa kanilang trabaho sa abroad.

Gayunman, kailangan anyang lumagda ng deklarasyon ang mga papaalis na healthcare workers na naiintindihan nila at nalalaman nila ang panganib na kanilang susuungin.

Nilinaw ni Nograles na sakop ng deployment ban ang mga healthcare workers na wala pang perfected contract hanggang noong March 8.