Mga nominado sa pagka-CJ isinalang na sa public interview ng JBC

0
53

Sinimulan nang isalang sa pagbusisi ng Judicial and Bar Council o JBC ang mga nominadong maging Supreme Court Chief Justice kapalit ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Lima ang nomado sa pagka-punong mahistrado, apat rito ay mga mahistrado ng Korte Suprema na bumoto para mapatalsik si Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition.

Ang mga nominado ay sina Associate Justices Teresita Leonardo de Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Andres Reyes Jr. at ang kaisa-isang nagmula sa labas ng Korte Suprema, si judge Virginia Tejano-Ang, Presiding Judge ng Tagum City Davao del Norte RTC Branch 1.

Ang unang isinalang sa public interview ay si Bersamin na nagpahayag ng kanilang mga plano para mapatatag ang Philippine Judicial Academy, mapalawak ang publication ng judicial judicions at maisaayos ang infrastructure ng trial courts.

Sakaling maitalaga sa puwesto, labing tatlong (13) buwan lamang manunungkulan bilang Chief Justice si Bersamin.

Batay sa kanyang information sheet, umaabot sa mahigit isang libo limandaan (1,500) ang kasong nabinbin sa sala ni Bersamin.


—-