Mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 higit 180,000 na —DOLE

0
56

Pumapalo na sa higit 180,000 ang bilang ng mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ito mismo, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) kung saan natukoy na ng kagawaran ang kabuuang bilang ng mga displaced workers dahil sa pandemyang kinahaharap ng bansa.

Sinabi ng DOLE,  ang mga manggagawang nawalan ng trabaho ay naitala mula Enero hanggang Agosto, mula sa 9,548 mga negosyo, kung saan ang mga ito ay pawang mga apektado ng retrenchment o reduction ng mga empleyado bunsod pa rin ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa naturang bilang, nangunguna ang National Capital Region (NCR) kung saan nawalan ng trabaho ang mga manggagawa mula sa 4,000 mga establisyimento.