Mga natulungang ambulansya ng MMDA sa Edsa umabot na sa 20 — Spox

0
24

Umabot sa 20 ambulansya ang nabigyan ng tulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos nitong maipit sa gitna ng trapiko sa Edsa.

Simula ito noong Martes matapos tiyakin ng MMDA na tutulungan nila ang lahat ng ambulasya na maiipit sa bigat ng daloy ng trapiko sa Edsa.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, ito ang kanilang tugon kaugnay ng mga ulat na mayroong namamatay na mga pasyente dahil hindi makalusot ang ambulasya sa sobrang sikip ng daloy ng trapiko sa Edsa.

Dagdag pa ni Pialago, magtutuloy-tuloy at titiyakin ng kanilang ahensiya na mabibigyan ang lahat ng ambulansya ng assistance sa oras na maipit ito sa gitna ng traffic.

Sa ngayon, tiniyak rin naman ni Pialago na target aniya ng MMDA na hanggat maari ay walat ng maiulat na may namatay na pasyente na sakay ng mga ambulasya bunsod ng mabigat na daloy ng trapiko sa Edsa.