Mga nasawi dahil sa COVID-19 sa China sumampa na ng 2,300

Mga nasawi dahil sa COVID-19 sa China sumampa na ng 2,300

by Powered by DWIZ
36 views

Umakyat na sa mahigit 2,300 ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa mainland China.

Batay ito sa pinakahuling tala ng National Health Commission ng China kahapon, Pebrero 21.

Sa nabanggit na death toll,109 anila ang mula sa Hubei habang 90 ang mula sa Wuhan City, ang sentro ng COVID-19 outbreak.

Samantala, nakapagtala naman ng halos 400 mga bagong kaso ng COVID-19 infections ang China nitong Pebrero 21.

Dahil dito, pumalo na sa mahigit 76,000 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mainland China pa lamang.

0 comment

Related Posts