Mga nasasawi sa Italy dahil sa COVID-19 patuloy pang nadaragdagan

Mga nasasawi sa Italy dahil sa COVID-19 patuloy pang nadaragdagan

by Powered by DWIZ
133 views

Patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng mga nasasawi sa Italy dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa pinaka huling tala ng civil protection agency, 662  ang kanilang naitalang nasawi dahil sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.

Dahil dito, umakyat na sa 8,165 ang kabuuang bilang ng nasawi sa bansa.

Pinaka maraming naitalang nasawi ay mula sa rehiyon ng piedmont.

Samantala, pumalo naman sa mahigit walompung libo  ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Italy.

0 comment

Related Posts