Naka-quarantine na at isinasailalim sa fumigation ang mahigit isang daan at tatlumpong libong (130,000) sako ng inangkat na bigas na naapektuhan ng peste.
Ayon kay National Food Authority o NFA Spokesperson Rex Estoperez, normal lamang aniya na ang pagkakaroon ng peste o bukbok ng bigas lalo’t matagal itong nakatengga sa loob ng barko sa Subic Free Port.
Aniya, isasailalim muna sa laboratory test ang mga nasabing bigas matapos ang pito hanggang labing dalawang araw na fumigation para matukoy kung maaari pa itong ikonsumo.
Tiniyak naman ni Estoperez na kargo pa rin ng supplier ang mga napesteng bigas at maaaring ibalik ito ng ahensiya.
“Kahit sa bahay natin kapag matagal na ang bigas sa ating mga lagayan lalo na sa lata ng biskwit na mainit ay madali po ‘yan, hindi maiiwasan ‘yan, at nangyari ‘yun hindi pa naman sa atin sa supplier pa ‘yun, naka-quarantine po ngayon ‘yan at under fumigation.” Pahayag ni Estoperez
(Balitang Todong Lakas Interview)