Mga nagtatangkang patalsikin si Cayetano posibleng may special interest —kongresista

0
21

Posibleng mayroong special interest ang ilang kongresistang nagtatangkang patalsikin si House Speaker Alan Peter Cayetano.

Partikular dito, ayon kay Congressman Emmanuel Billones Sr., ang mga pinalitang sina Congressmen Isidro Ungab at Doy Leachon na kapwa supporter ni Congressman Lord Allan Velasco.

Gayunman, naniniwala si Billones na may mga nasa likod nina Cayetano at Velasco –na mayroong mga personal na interes kaya’t lumulutang ang kudeta sa Kamara.

Magugunitang nakasaad sa term sharing agreement nina Cayetano na uupo ito sa loob ng 15 buwan at hahalili rito si Velasco sa loob ng susunod na 21 buwan.