Mga nagpapakalat ng ‘fake news’ tututukan ng NBI

0
15

Tinututukan ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga nag-foforward at nagse-share ng ‘fake news’ sa social media.

Ayon kay NBI officer-in-charge Eric Distor, hindi nila ta tantanan ang pagtukoy kung saan galing ang fake news hinggil sa di umano’y looting at mob rule na nangyayari dahil sa laganap na taggutom na resulta ng lockdown.

Hindi anya nakakatulong sa sitwasyon ngayon ang magdagdag sa panic at distress na nararamdaman ngayon ng sambayanan.