Social distancing sa isasagawang special session ng kongreso, ipapatupad

0
16

Mahigpit na paiiralin ang social distancing sa isasagawang special session sa kongreso.

Ito’y ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, ay upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga miyembro ng kongreso na dadalo sa naturang sesyon.

Kailangan din aniya nilang magtipon-tipon sa lalong madaling panahon upang makapagsumite ng mga hakbang at maipasa ang supplemental budget na makapapawi sa krisis na dala ng coronavirus disease (COVID-19).

Mag-aareglo din aniya ang pamunuan ng kongreso para naman sa kanilang mga miyembro na nag-uwian sa kanilang mga distrito upang makalahok sa kanilang special session.

Samantala, magugunitang nagpatawag ng special session sa kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte para sa agarang pagpasa ng kinakailangang supplemental budget ng pamahalaan upang magamit laban sa pagkalat ng COVID-19.