Mga naaresto sa pagpapakalat ng ‘fake news’ sa COVID-19 nasa 32 katao na —PNP

0
27

Umakyat na sa 32 katao ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapakalat umano ng “fake news” tungkol sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa internet.

Ayon kay PNP spokesperson P/Brig. Gen. Bernard Banac, ang mga indibidwal ay nahuli sa ikinasang operasyon ng PNP Anti-Cybercrime Group simula March 1-9 hanggang April 5.

Ang mga suspek ay pawang mga taga-Quezon City, Eastern Visayas, Central Visayas, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at Caraga Region.

Samantala, patuloy namang hinahanap ng kapulisan ang isa pang suspek mula sa Zamboanga Peninsula.

Muli namang nananawagan si Banac sa publiko na makipagtulungan sa pagpigil ng pagpapakalat ng malung impormasyon patungkol sa COVID-19 na nagdudulot ng panic.