Mga modernong PUV units magsisimula ng bumiyahe

0
20

Inaprubahan ng LTFRB NCR ang provisional authority sa 31 modern PUV units para makabiyahe ng San Juan at Pasig City.

Ang mga modernong PUV ay ba-biyahe sa rutang San Juan-Rosario sa Pasig at pabalik sa ilalim ng SanRo transport o San Juan – Rosario Transport Service Cooperative.

Dinaluhan ni San Juan Mayor Francis Zamora ang isinagawang ceremonial hand over.

Ayon sa DOTr ang mga nasabing modern PUV units ay nakatugon sa itinakdang requirements ng PUV modernization program ng pamahalan sa ilalim ng omnibus franchise guidelines at Philippine National Standards.