Mga militante magsasagawa ng kilos protesta bukas

0
63

Nakatakdang magsagawa ng kilos protesta ang mga grupong Karapatan, Gabriela Women’s Party At Rural Missionaries of the Philippines bukas

Ito’y para kondenahin ang ginawang pagbasura ng Court of Appeals sa inihain nilang Writs Of Amparo at Habeas Data dahil sa umano’y red tagging sa kanila ng pamahalaan

Dahil dito, magsasagawa ng Indignation Rally ang mga nabanggit na grupo sa harap ng Court of Appeals dakong 10 ng umaga

Ayon kay Christina Palabay, Secretary General ng Grupong Karapatan, gagawin nila ang lahat ng mga ligal na hakbang upang igiit ang lantarang pagyurak ng Administrasyong Duterte sa karapatan ng bawat isang Pilipino