Mga media personnel na nawalan ng trabaho welcome sa tanggapan ni Roque

0
26

May mga bukas na posisyon sa trabaho sa Malakanyang para sa mga media personnel na nawalan ng hanapbuhay.

Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque, kung saan partikular na binanggit nito ang mga natanggal sa trabaho dahil sa pagsasara ng network na ABS-CBN matapos na hindi ma-renew ang prangkisa nito.

Ayon kay Roque, naghahanap ng mga writers, cameramen, at iba pang production crew ang kanyang tanggapan, ang Office of the Presidential Spokesperson.

Sinabi pa ni Roque, naghahanap din ng trabaho ang pamahalaan na maaaring maialok sa mga empleyado ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na mapapabilang sa inanunsyo ng kumpaniya na retrenchment.