Mga mapapasong driver’s license ngayong ECQ valid pa hanggang sa susunod na 2 buwan —LTO

0
22

Pinalawig pa ng dalawang buwan ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng mga driver’s license na mapapaso sa kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ).

Dagdag pa rito, hindi narin pagmumultahin ang mga late registration ng mga motor at renewal ng driver’s license na mapapasaso ngayong ECQ.

Samantala, ipinabatid rin ng LTO na kanilang lilimitahan ang kanilang transaksyon oras na maalis ang ECQ upang masunod ang physical distancing.

Ikokonsidera rin anila ang pagkakaroon ng operasyon tuwing Sabado upang ma-accomodate ang lahat ng aplikante.