Ilang lugar sa NCR nawalan ng Kuryente dahil sa biglaang pag-ulan

0
15

Nawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Quezon City, Pasig, Las Piñas, Taguig, Makati, at iba pang lugar sa Metro Manila dakong 7 p.m. kagabi.

Paliwanag ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, ang power interruption ay bunsod ng biglaang pag-ulan.

Bilang tugon ng Meralco sa mga nagrereklamong kostumer sa social media, kanilang pupuntahan ang lahat ng apektadong lugar.

Samantala, ilang minuto namang natigil ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos na magdeklara ng red lighting alert ang Pagasa dakong 9:38 p.m. kagabi.

Agad namang ibinaba ng Pagasa sa yellow lightning alert dakong 10 p.m. kung kayat bumalik rin sa normal na operasyon ang NAIA.