Mga manlalaro ng NBA bawal muna makipagkamay sa mga fans

0
14

Pina-iiwas muna ang mga manlalaro ng NBA sa pakikipagkamay sa mga fans.

Ito ay bilang pag-iwas pa rin sa panganib ng covid 19 o coronavirus disease.

Sa inilabas na memo ng NBA, inirerekumenda nito ang pag iwas din sa pagbibigay ng autographs at iba pang uri ng direct contact sa mga fans upang makaiwas sa panganib ng sakit at mapigilan din ang paglaganap nito.

Sa ngayon, tiniyak naman ng NBA na nakikipag-ugnayan na sila sa center for disease control at sa infectious disease researchers.