Mga manggagawa nagsagawa ng ‘online rally’ ngayong Labor Day

0
24

Tuloy ang nakagawiang pagsasagawa ng kilos protesta ng mga manggagawa tuwing ika-1 ng Mayo, Labor Day.

Ito ay sa pamamagitan ng online o virtual rally sa gitna na rin ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) at general community quarantine (GCQ) kung saan ipinagbabawal ang mga pagtitipon.

Alas-9 ng umaga kanina nang simulan ng mga grupo ng mga manggagawa ang kanilang virtual rally sa pamamagitan ng Zoom at Facebook live.

Pinangunahanan ito ng grupong Kilusang Mayo Uno kasama ang Nagkaisa, Bayan, Bayan Muna Party-list at iba pa kung saan pawang nakasuot sila ng mga pulang damit.

Kabilang sa kankilang iginigiit ang pagpapalawak ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing para sa lahat ng mga manggagawa at ayuda sa mga nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya mula sa pamahalaan.

Samantala, magkakakaroon naman ng online concert ang ilang mga artists, mamayang alas-6 ng gabi bilang pakikiisa sa mga manggagawa.