Mga mamamayan ng US na nasa Wuhan, China pauuwiin na

Mga mamamayan ng US na nasa Wuhan, China pauuwiin na

by Powered by DWIZ
27 views

Pauuwiin na ng Estados Unidos ang ilan sa kanilang mga mamamayan na kasalukuyang nasa Wuhan, China, ang pinaka-sentro ng outbreak ng bagong coronavirus.

Sa ulat ng Wall Street Journal, inaayos na ng US ang charter flight para sa mahigit 200 katao, kabilang ang mga diplomats, US consulate, citizens, at kanilang mga pamilya.

Sinasabing ginawa ang pasya dulot ng outbreak ng coronavirus, gayundin ng logistical disruptions na nag-ugat sa restrictions sa mga biyahe sa China.

0 comment

Related Posts