Mga mall, transport sector kakausapin ng NCRPO sakaling malipat na sa GCQ ang Metro Manila

0
24

Makikipagpulong ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa iba’t-ibang sektor tulad ng negosyo at transportasyon.

Ito’y sa sandaling alisin na ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila sa halip ay ilipat na ito sa general community quarantine (GCQ).

Ayon kay NCRPO Director P/Mgen. Debold Sinas, dapat aniyang maplantsa na ang mga hakbang sa sandaling buksan na muli ang mga mall at payagan na muling makabyahe ang publiko.

Pagtitiyak naman ng opisyal, nananatiling maayos ang stiwasyon ng mga komunidad sa buong kalakhang Maynila.