Friday, May 3, 2024

Mga malalaking kompanya hinikayat na magbigay ng 13th month pay sa mga empleyado — DOLE

- Advertisement -

Hinikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga malalaking kumpanya na bayaran pa rin ang kanilang mga empleyado sa gitna ng pagpapatupad ng enchanced community quarantine sa buong Luzon sa loob ng isang buwan.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay umapela na sa ibang kumpanya na paagahin na ang pagbibigay ng 13th month pay upang makatulong sa mga manggagawang maapektuhan ng community quarantine dahil sa COVID-19.

Hirit ni Bello, sana ay makatanggap pa rin ng pang isang buwang sahod ang mga empleyado sa ilalim ng kumpanya nila Sy, Ty at Gokongwei.

Samantala, sinabi ni Bello na maaari namang tumulong sa gobyerno ang mga displaced worker sa pagdi-disinfect ng mga building sa ilalim ng emergency jobs program.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img